CAMARINES NORTE- Nakatakdang humarap sa media ngayong umaga ang pamunuan ng Camarines Norte Water District (CNWD) at Primewater upang ipaliwanag ang hinggil sa bagong taripa sa tubig na sinimulang ipatupad ngayong Hunyo.
Inaasahang dadaluhan ito ng mga opisyal ng CNWD at Primewater upang sagutin ang mga katanungan ng publiko patungkol sa 20 porsientong tariff increase na umani ng negatibong reaksyon mula sa mga kunsomidores.
Muli namang isinusulong ang pagbuhay sa Consumers Protection Group sa pamamagitan ng social media upang tutulan ang mga polisiya na ipinapatupad ng naturang water utility at ng Villar- owned company.
Dati nang lumaban noon ang grupo sa legal na paraan at nagkasa rin ng mga kilos protesta.
Kung maalala ay 2020 pa humirit ng dagdag na taripa sa tubig ang Primewater.
Paliwanag ng kumpanya nakapaloob umano sa Joint Venture Agreement na sa ika- apat na taon nito ay magpapatupad ng tariff increase.
Depensa pa ng kompanya, may kaakibat naman itong developmental aspect.
