Masinloc Fire Station nagbabala sa publiko laban sa mga scam transactions na ginagamit ang pangalan ng ilan sa kanilang tauhan at opisyal

Nagbabala sa publiko ang Masinloc Fire Station laban sa mga scam transaction na ginagamit ang pangalan ng ilang kawani ng opisina.

Ang modus ay mag-oorder ng pagkain sa mga business establishments at ginagamit ang pangalan ni Fire Chief SFO3 Ramon Gutierrez at FO1 Nikko Valerozo.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa Masinloc Fire Station, maliban sa pag-order ng pagkain, modus rin ng scammer na humiling pa ng load gamit ang iba’t ibang number.

Dahil dito, nagpaalala ang tanggapan sa publiko na huwag basta-basta maniniwala kung hindi pa nabeberipika ang mga transaskyon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kung sakali man umanong may kahina-hinalang order ay maaaring tumawag muna sa hotline ng Masinloc Fire na 09675277528 at 09614600793.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO