DDR, dapat ituloy sa next admin – NDRRMC

Umaasa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na muling mabubuhay sa susunod na Kongreso ang mga panukala para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience.

Sa #LagingHanda press briefing, humingi ng suporta si NDRRMC Spokesperson Mark Timbal sa mga mambabatas ng 19th Congress na ipagpatuloy ang naiwang panukala para sa DDR.

Read More:  PNP says it will arrest Bato dela Rosa if he appears at impeachment trial

Maliban pa rito, umapela rin si Timbal sa susunod na administrasyon na paramihin pa ang evacuation centers sa buong bansa.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Matatandaaang nakalusot na ang bersyon ng Kamara ng DDR Bill ngunit sa Senado ay hindi na ito natalakay pa.
#