Border ng America sa Canada at Mexico, sarado pa rin

Mananatiling sarado ang land borders ng America sa Canada at Mexico sa mga non-essential travel hanggang sa June 21.

Ayon sa US Homeland Security Department, nakikipagtulungan sila sa Canada at Mexico para ligtas na mapagaan ng restriksyon habang gumaganda ang kondisyon ng COVID-19.

Read More:  Injuries from Magnitude 7 earthquake in Tibet, China rise to 65; Death toll remains at 16

Hindi pa malinaw kung maaalis ang restrictions bago ang summer travel season.

Napag-alaman na maraming US lawmakers ang naggigiit na paluwagin na ang restrictions o magtakda ng timetable para makabalik sa normal ang pagbiyahe.

Read More:  Pope Leo XIV to proceed with South America visit following lung surgery

Kabilang sa mga konsiderasyon ang mga Americans na mayroong property sa Canada na hindi makauwi at maayos ang kanilang mga tahanan.

Kinumpirma ng US officials na walang nareresolba ang diskusyon kasama ang Canada at Mexico kaugnay sa pag-aalis sa restriksyon