Umaasa ang Commission on Elections na magtutuluy-tuloy na ang naging swabeng special elections para sa 12 mga barangay sa bayan ng Tubaran sa Lanao del Sur.
Sa pulong balitaan, sinabi ni COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na wala pa ring naitatalang mga palyadong vote counting machines at SD cards.
Sakali mang mayroong magka-problema, naka-standby na ang mga makinang maaaring ipalit sa mga nagka-aberyang makina.

Nananatili rin aniya ang mahigpit na seguridad sa mga polling precincts.
Dahil dito, umaasa si COMELEC Deputy Exec. Dir. for Operations Teopisto Elnas na masusunod ang timeline ng halalan sa Tubaran.
Kung magpapatuloy aniyang walang naitatalang aberya at kaguluhan, kaagad na maisusumite ang mga eleciton returns at certificates of canvass mula sa mga presinto rito.
#