PNP, inatasan na ng DILG na tukuyin at ipatigil ang mga e-sabong sites na patuloy na nag-ooperate

Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga tauhan ng Philippine National Police na hanapin o tukuyin ang mga e-sabong sites na patuloy na nag-ooperate.

Ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año sa PNP Anti-Cybercrime Group at sa lahat ng PNP units sa buong bansa na tugisin ang mga nasa likod ng ‘unregulated online cockfighting sites’.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Batay kasi sa report, nasa pitong online cockfighting outfits pa rin ang natukoy na nagpapatuloy sa operasyon kahit pa matagal nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal na ang e-sabong.

Ayon kay Interior Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, ang mga natukoy na mga e-sabong sites ay pawang mga walang lisensya o franchise mula sa kanilang local government unit.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Kaugnay nito, hinimok ng DILG ang publiko na kaagad isumbong sa mga kapulisan kung mayroon mang mga e-sabong sites sa kanilang mga lugar ang patuloy pa rin sa operasyon.(CLAY MARQUEZ)
#