BNFM BICOL – Nagsagawa ng Trade Fair ang Department of Trade and Industry o DTI- Albay sa isang mall sa lungsod ng Legazpi kung saan ibinida ang mga produktong Albayano gaya ng mga native handicrafts, processed food, mga ceramics at iba pa.
Ayon sa ahensya, aabot sa 32 mga exhibitors ang lumahok sa naturang aktibidad mula sa mga Negosyo Centers ng DTI sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan kung saan itinampok ng mga ito ang ilan sakanilang ‘wellness products’ gaya ng mga sabon na may pili oil at iba pang ‘handcrafted aromatics.’
Samantala, magtatagal ang nasabing trade fair hanggang sa May 22 o sa araw ng Linggo, habang matatandaan rin na nagsagawa ang ahensya ng Consumerism Forum for Multi Sectors sa mga Persons with disabilities o PWDs, mga kababaihan, Senior Citizens, Solo Parents at mga miyembro ng 4Ps sa Barangay Poblacion sa bayan ng Rapu-Rapu.###