3 nakaparadang sasakyang nabagsakan ng puno sa Olongapo City

Nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Olongapo City kahapon hanggang kagabi.

Dahil dito may puno na bumagsak sa may Rizal Triangle kung saan may tatlong sasakyan ang nabagsakan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal


Ayon kay CDRRMO OIC Jeff Lapid, nakaparada lamang ang sasakyan sa lugar at nagkataon na nangyari ang insidente.

Samantala, tumaas rin ang tubig sa ilang barangay sa lungsod katulad na lamang sa old Cabalan.
Ayon kay Kap. Lester Nadong, ito ay dahil na rin sa ilang drainage project na hindi natapos at mga basurang itinapon kung saan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nagpaalala naman ito sa mamamayan na iwasang lumusong sa tubig baha lalo na kung may sugat para iwas leptospirosis.(MICHELLE LOPEZ)
#