Wage hike sa Metro Manila at Western Visayas, epektibo na sa June 4 at June 5

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magiging epektibo na sa June 4 at 5 ang bagong aprubang wage hike sa Metro Manila at Western Visayas.

Matatandaan na pinagbigyan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Metro Manila ang wage increase na P33, dahilan para itakda ang bagong minimum wage rate sa P570 at P533 naman para sa mga manggagawa sa non-agriculture at agriculture sectors.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa Western Visayas naman, P55 hanggang P110 ang itataas sa sahod ng mga manggagawa na may employers na nag-eemploy ng mahigit 10 manggagawa at 10 o mas maliit pa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kaugnay nito, inaprubahan rin ng Western Visayas wage board ang increase na P95 para sa mga manggagawa sa agriculture sector, dahilan para tumaas ang daily minimum wage sa P410.