‘Chikiting bakunahan’ ilulunsad ng DOH-Bicol ngayong araw bilang paghahanda sa malawakang implementasyon ng F2F classes

BNFM BICOL – Nakatakdang ilunsad ng Department of Health-Bicol ngayong araw ng Huwebes ang “Chikiting Bakunahan” o pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang 17-taong gulang.

Ang nasabing vaccination program ay magtatagal hanggang bukas araw ng Biyernes kung saan layunin umano ng ahensya na mabigyang prayoridad sa bakunahan ang mga batang kabilang sa nasabing age group bilang paghananda na rin sa mga ito sa malawakang pagsasagawa ng limited face to face classes ng mga paaralan sa rehiyon.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid
Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Batay sa pinakahuling datus ng ahensya, umabot na sa 73.36% o katumbas ng 3.4 milyon na mga Bicolano ang bakunado na kontra COVID-19.###