COMELEC, nakatakda nang i-anunsyo ngayong hapon ang ipo-proklamang 12 senador

Inaasahang ngayong alas-singko ng hapon ay iaanunsyo na ng Commission on Elections ang mga nanalong Senador ngayong halalan 2022.

Sa pulong balitaan, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na nagpadala na ang kanilang opisina ng mga email notices at imbitasyon para sa mga ipo-proklamang bagong senador bukas.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Maliban sa mga winning senators, imbitado rin ang ilang mga matataas na opisyal ng Gobyerno kabilang na sina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto, House Speaker Lord Allan Velasco, at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Tiniyak naman nito ang seguridad sa palibot ng PICC Forum pati na rin ang augmentation ng PSG sakali mang dumating ang Pangulo.
#