Bivol handa sa rematch kay Canelo

Handa si WBA light heavyweight champion Dmitry Bivol na muling makaharap si Mexican star Canelo Alvarez para sa inaabangang rematch.

Ginawa ni Bivol ang pahayag isang linggo matapos maitala ang upset win laban kay Alvarez.

Read More:  Fuel Masters outlast Bolts to close in on quarterfinal berth

Subalit mas gugustuhin umano ni Bivol na sa halip na 168lbs catch weight, sa 175-pound division sila magtuos ng dating kampeon.

Magugunitang bugbog sarado si Canelo sa laban nila noong May 7, 2022 na nagresulta sa 115-113, 115-113 at 115-113 unanimous decision pabor sa Russian boxer.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Samantala wala pa naman sinasabi ang kampo ni Alvarez kung gusto nito ng rematch kay Bivol.