‘Bicol Vote,’ napatunayan sa nakalipas na Halalan 2022

SORSOGON CITY – Sa kabila ng napakalaking kalamangan ni Bong Bong Marcos, nananatiling tapat kay VP Leni Robredo ang Bicol region.

Ayon sa analisis ni Masbate Board Member Jason Arevalo, mayroong isang bagay na lumutang matapos ang Halalan 2022.

Aniya, sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan ng elektoral, mayroon na ngayong isang bagay na ‘Bicol Vote.’

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Maliban sa Bicol region ay nanalo din si Robredo sa Western Visayas habang si Marcos ay nangibabaw sa ibang rehiyon.

Maliban sa 6 na lalawigan sa rehiyong Bicol, may 9 pa na probinsya kung saan pinili ng mga botante si Robredo bilang kanilang pangulo; kinabibilangan ito ng Iloilo, Negros Occidental, Quezon, Capiz, Northern Samar, Antique, Eastern Samar, Guimaras at Batanes.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang tanging probinsya kung saan hindi nanalo si Robredo o si Marcos ay ang Lanao del Sur, kung saan nanalo ang negosyanteng si Faisal Mangondato, at Sarangani, kung saan nanalo si Senator Manny Pacquiao.