Ulap sa isang lungsod sa China, nagkulay dugo

Naghatid ng takot at pagkagulat sa mga residente ng Zhoushan City sa China ang biglaang pagkulay ng dugo ng ulap sa naturang lugar, nitong nakaraang linggo.

Batay sa mga ibinahaging larawan ng mga residente sa social media, nangyari ang insidente gabi nitong Linggo na labis aniya nilang ikinatakot sa paniniwalang may malawakang sunog na nangyayari malapit sa lugar o di kaya naman ay isa itong senyales sa pagkakaroon ng ‘apocalypse.”

Paliwanag ng Meteorological Bureau, ang naturang phenomenon ay nangyayari sa tuwing maayos ang lagay ng panahon ngunit mas madami ang presensya ng tubig sa atmosphere na nag re-resulta sa formation ng aerosols.

Dito na nangyayari ang tinatawag na “refraction” at “scattering” ng mga ilaw na nagmumula umano sa mga barko dahil nangyari ang insidente malapit sa Port kung kaya’t ito ang posibleng dahilan ng pag kulay pula ang ulap sa lugar.

Samantala, sinabi naman ng research team mula sa China University of Geosciences, na wala silang naitalang ‘substantial anomalies’ sa solar activity kung kaya’t isinantabi nila ang posibilidad na may kinalaman ang geomagnetic at solar events sa pagkulay dugo ng kaulapan sa naturang lugar.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol