DILG-Bicol: Magpabakuna pa rin sakabila ng mababang COVID-19 cases sa rehiyon

BNFM BICOL– Nagpaalala si DILG-Bicol Regional Director at Bicol Inter-Agency Task Force Chairman Atty. Anthony Nuyda sa publiko na patuloy na sundin ang umiiral na health protocols at magpabakuna pa rin kontra COVID-19 sakabila ng mababa nang bilang ng mga naitatalang kaso ng sakit sa rehiyon.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa opisyal,  mayroong mga prediksyon na posibleng biglang tumaas ang COVID-19 cases sa Bicol dahil sa mga isinagawang pagtitipon nitong katatapos lamang na Halalan gaya ng mga political rallies at mismong ang araw ng eleksyon na ikinokonsiderang ‘super spreader events.’

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dagdag pa ni Nuyda, sa kasalukuyan ay mababa pa rin ang bilang ng mga bakunadong Bicolano kaya patuloy ang pag-hikayat niya sa publiko na makiisa sa vaccination program ng pamahalaan.###