15,000 indibidwal nabakunahan laban sa COVID-19 sa ginawang special vaccination days sa Sulu

Aabot sa mahigit 15,000 indibidwal sa Sulu ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa ginanap na special vaccination days (SVD) na inorganisa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao’s Ministry of Health (MOH).

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Sa datos ng Bangsamoro Information Office, mayroong 15,328 individuals na nabakunahan mula May 11 hanggang 13, o katumbas sa 60.11% ng 25,000 target.

Kaugnay nito, may 3,341 individuals na nabakunahan sa unang araw, 4,988 sa ikalawang araw at 7,099 sa ikatlong araw.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Una nito, nagpatupad ang provincial government ng “No Vaccine Card, No Entry Policy,” sa harap ng target ng gobyerno na mapalakas ang vaccination rates at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar.