3 sachet ng shabu, nakuha sa tsinelas ng preso sa SoCot prov’l hail

KORONADAL CITY — NASA 15 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa tsinelas ng isang presong iko-commit sa South Cotabato Provincial Jail kahapon ng hapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Provincial Jail Warden Lorry Celeste, naka-ipit umano ang pinaniniwalaang shabu sa swelas ng suspek na si Jacky Siton Lintong, 25-anyos, residente ng Labangal, General Santos City.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Mula umano sa Koronadal City Jail ang suspek at inilipat sa South Cotabato Provincial Jail ng makuhaan ng umano’y shabu sa tsinelas nito sa isinagawang inspeksyon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sinabi ni Celeste na kinabibilangan ito ng tatlong malalaking sachet na may street value na P102,000.
Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na may illegal na drogang tangkang ipinuslit sa provincial jail dahil maraming beses na ring hinagisan ng shabu ang nasabing pasilidad mula sa labas.