Women’s organization sa Brgy. Bogtong, Legazpi City tumulong na sa pagbabaklas ng Campaign materials

LEGAZPI-Natapos na rin ang pagbabaklas ng mga election campaign materials sa isang barangay sa lungsod ng Legazpi.

Ayon kay barangay kapitan Armando Toledo ng barangay Bogtong, sa loob ng tatlong araw, pakatapos ng proklamasyon ng bagong alkalde ng lungsod, nagtulong-tulong na umano silang magbaklas ng mga nasabing paraphernalia.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Aniya, sa tulong ng Women’s organization na pinapangunahan ng kanyang asawa, naglibot sila sa barangay at pinagbabaklas na ang mga tarpaulins at pansamantalang idinala sa kanilang material recovery facility.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Marami rami umano ang kanilang natanggal at may ilan naman na residente ang hiningi na lamang ang iba sa mga ito para magamit.