Mangingisda pinana ang kaalitan, patay

SORSOGON CITY – Kinasuhan na ng murder ang mangingisda na bumaril, gamit ang speargun, sa kanyang kaalitan sa Purok 3, Brgy Calayuan sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador, sinampahan na nila ng kaso ang suspek sa pamamagitan ng ‘regular filing in court’ kung kaya’t iniutos ng korte na palayain muna ito matapos ang 36 na oras na reglementary period sa detention facility ng Matnog Police.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Lumabas sa ulat na matagal na alitan umano sa pamilya ang naging ugat ng pamamaslang ng suspek na si Judy Millagracia Verdida alias Allen, 49-anyos sa biktimang si Juanito Mancera Gestiada parehong naninirahan sa nasabing barangay.

‘Dead on arrival’ sa ospital ang biktima dahil sa tama nito sa dibdib habang boluntaryong sumurender naman ang suspek sa himpilan ng pulisya matapos ang insidente, kasama ang kanyang kapatid na Brgy Kagawad at ang Kapitan na si Ramil Gardon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Hihintayin na lang ng Pulisya mula sa korte ang ipapalabas na warrant of arrest sa akusado.

PHOTO: Image representation only