Pangilinan, walang balak mag-concede sa VP race hangga’t may balota pang binibilang

Never say die si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa kanyang vice presidential race, sa kabila ng malaking agwat sa bilang ng mga boto mula sa ibang mga katungggali.

Giit ni Pangilinan, marami pang mga tanong ang nanatiling hindi pa nasasagot, habang hindi pa tapos ang voting procedures sa ilang mga presento.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangilinan na siya at si Vice President Leni Robredo, ay hindi pa susuko sa laban, kontra kay frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Giit nito, nakikiisa siya sa pahayag ni Vice President Leni, na hindi pa tapos ang bilangan.

Dagdag ng senador, ipagpapatuloy nila ni Robredo ang laban na kanilang sinimulan