PDRRMO naatasan sa pagkalap ng listahan ng mga empleyado ng Kapitolyo na unang makakatanggap ng first dose ng bakuna

CAMARINES NORTE – Inatasan ni Atty Don Culvera, Provincial Legal Office/ Unified Incident Commander ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na syang magconsolidate ng mga listahan ng mga empleyadong mababakunahan mula sa iba’t- ibang tanggapan ng kapitolyo

Ito ay Kaugnay sa naging pahayag ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na maaari ng makatanggap ng first dose ng bakuna ang mga manggawa ng Pamahalaang Panlalawigan

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Base sa napagkasunduan, ang mga Dept Heads ang syang mag-a-identify sa kani-kanilang tanggapan ng mga babakunahan na naaayon sa prioritization kung saan uunahin ang mga senior citizens, may comorbidities at PWD’s

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Habang hiniling din ni Atty. Culvera na maging ang mga Department Heads ay mapasama sa mga mababakunahan dahil sila ang nagsisilbing pangunahing frontliners ng kanilang opisina