Ellen Adarna, ibinunyag na pinatanggal na ang breast implants

Ibinunyag ng aktres na si Ellen Adarna na pinatanggal na niya ang kanyang breast implants, matapos ang mahabang panahon na nakakaranas siya ng back pain at fatigue.

Read More:  Yeng Constantino gives fans a glimpse of dream house with husband Yan Asuncion

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Adarna ang larawan ng kanyang silicone shells na tinanggal mula sa kanyang dibdib.

Ayon dito, matagal na siyang nakakaranas ng “breast implant illness,” kung saan nakakaapekto na rin umano ito sa kanyang paghinga.

Read More:  Maricel Soriano, Maris Racal and McCoy De Leon bag top acting honors at 74th FAMAS Awards

Matatandaan na noong 2014 nang aminin ng aktres na mayroon siyang breast implants.