Vax, booster card o RTPCR test, hindi kailangan sa araw ng halalan

SORSOGON CITY – Hindi required na magpakita ang isang botante ng kanyang vaccination o booster card o ng RTPCR test para makaboto sa araw ng halalan sa Mayo 9, ito ang inihayag ng Comelec.

Ang kailangan lang ay nakalista ang pangalan ng botante sa Election Day Computerized Voters List (EDCVL) o sa listahan ng mga rehistradong botante sa presinto kung saan boboto.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ang listahan na ito ay hawak ng mga guro na magsisilbing Electoral Board (EB) sa presinto sa araw ng halalan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Hindi rin required na dalhin ang Voter’s ID o ‘acknowledgment receipt’ na ibinigay noong nagparehistro para makaboto.

Subalit, payo ng Comelec na maiging magdala na rin ng valid ID para mayroong maipapakitang katibayan ng pagkakakilanlan kung sakaling kwestyunin ang identity.