DILG Palawan, hinihintay na lang ang guidelines sa pagpapatigil ng e-sabong

Hinihintay na lamang ng Department of the Interior and Local Government ang guidelines kung papaano ipapatupad ang ipinatigil na e- sabong.

Ito ay matapos tuluyang ipatigil ng Malacañang ang operasyon ng online talpakan sa buong bansa.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay Vergilio Tagle Provincial DILG Director sa Palawan, dahil tuluyan nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-Sabong wala nang dapat tatangkilik sa ganitong sugal.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Dahil pinag-utos na ito ng pangulo, inaasahan ng tanggapan na makakatanggap ng magiging batayan o kabuuang detalye kung papaano ito ipatupad.