Maalinsangan sa Luzon; Palawan, VisMin makakaranas ng isolated rains

Patuloy na iiral ang mainit at maalinsangang panahon sa Luzon, habang isolated rainfall at thunderstorms naman ang mararanasan sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Ayon sa Pagasa, ang easterlies ang magdudulot ng mataas na temperatura sa Luzon habang ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ay makakaapekto sa southern sections ng bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Binigyang diin naman ng weather bureau na walang low-pressure areas sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa Metro Manila, asahan ang temperatura na aabot sa 27 hanggang 36 degrees Celsius.

Samantala, nakikita naman ng Pagasa na makakaranas ng isolated showers at thunderstorms sa Visayas at Mindanao.