All-set na ang Commission on Elections at iba pang mga concerned agencies sa halalan sa Mayo a-Nueve.
Sa isang puong balitaan, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na tinatayang aabot ng 65.8Million na mga Pilipino ang inaasahang boboto sa Lunes.
Kaya naman asahan na raw ang pagdagsa ng mga botante sa mga polling precincts.
Samantala, pinaalalahanan din nito ang mga botante na hindi na kinakailangan pang magsuot ng face shield, at magprisenta ng vaccination card, at negatibong resulta ng RT-PCR test o Antigen test.
Muli ring ipinaalala ni Garcia na sa Lunes ay tapos na ang panahon ng pangangampanya kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng mga campaign t-shirts, pati na rin ang mga face masks na mayroong mukha o pangalan ng isang kandidato.
Samantala, nakiusap ang poll body official sa mga botante na ‘wag nang mag-selfie sa loob ng mga classrooms at precincts.

Hanggat maaari aniya, imbis na cellphone ang gamitin bilang listahan ng mga iboboto, mas makabubuti pa rin kung mayroon na lamang pisikal na kodigo.
Posible umano kasing ma-sita ng mga poll watchers ang mga botanteng gumagamit ng cellphone sa pag-aakalang kinukuhaan ng picture ang balota.
#