Mahigit 6,656 na mga ‘vote counting machines’ ang dumating sa Bicol, lalawigan ng Albay nakatalaan na isagawa ang ‘final testing and sealing’ ngayong araw’

LEGAZPI – Handang-handa na ang Commission on Elections-Bicol sa nalalapit na National and Local Elections sa Mayo 9, 2022.

Ayon kay Atty. Maria Juana Valeza  ang Regional Director ng Comelec Bicol sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, patuloy parin ngayon ang deployment ng mga vote counting machines sa mga presinto.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Nakatalaan ngayong araw Mayo 3 ang ‘final testing and sealing’ ng vote counting machines sa lalawigan ng Albay maging sa ibang probinsya gaya ng Catanduanes, Masbate, Camarines Sur at Camarines Norte. Ngunit sa lalawigan sa Sorsogon ay nauna na kahapon Mayo 2.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Samantala, mahigit sa 6,656 na mga Vote Counting Machines ang dumating at sinisiguro ni Valeza na hindi magkakaroon ng aberya o ‘malfunction’ ang mga VCMs sa araw ng eleksyon.