NAGA CITY- Tapat at malinis na halalan ang panalangin sa gagawing Mobile Procession sa 27 Barangays ng Naga City.
Alas-3 ng hapon sa Miyerkules Mayo 4 may misa sa Peñafrancia Shrine sa Barangay Peñafrancia. Pangungunahan ito ng mga volunteer groups na sumusuporta sa kandidatura ng Bicolanang si Vice President Leni Robredo na tumatakbong pangulo.
Ayon kay GeAnne Borja ng Solid Leni Youth isa rin itong oportunidad upang makita ang iba’t-ibang image ng Our Lady of Peñafrancia. May halalan man o wala nagkakaroon talaga ng Marian Procession at Marian Exhibit sa Naga tuwing Mayo.
Samantala sa mga misa nitong direktang binasa sa mga parokya ang sulat mula kay Caceres Archbishop Rolando J. Tria Tirona OCD, D.D ukol sa mga paalala sa tamang pagpili ng mga bobotohan at ang hindi pagbebenta ng sagradong boto.