Ilang steelworkers sa Mariupol City sa Ukraine, nasawi habang nagtatago sa bunkers

Kinumpirma ng ilang steelworkers ng planta sa Mariupol City sa Ukraine na mayroon silang mga namatay at sugatang kasama sa pinagtaguan nilang bunkers.

Sinabi ni Capt. Svyatoslav Palamar na nasa Azov regiment na na-trap sila sa ilalim ng nag-collapse na building kung saan kasama ang mga natitirang sibilyan sa nasabing lungsod.

Read More:  Pope Leo XIV to proceed with South America visit following lung surgery

Nilinaw naman ni Palamar na habang nasa Mariupol pa ang kanilang grupo ay mananatili ang kontrol nito sa Ukraine.

Ito ay sa kabila ng kautusan ni Russian President Vladimir Putin sa kanyang tropa na sirain at selyuhan ang mga tunnel at workshops.

Read More:  Costa Rica opens mega-prison for 5,100 inmates amid rising crime

Matatandaan na ang pagkubkob ng Russian troops sa Azov port ay magiging mas madali ang pagpasok ng mas maraming tropa nito sa eastern part ng Donbas region ng Ukraine.