DepEd, dumipensa sa mandatory on-site duty ng mga guro

Dumipensa ngayon ang Department of Education sa ipinatupad nitong polisiya kung saan ay mandatory na magrereport ‘on-site’ ang mga guro.

Ayon kay Educaiton Secretary Leonor Briones, sumusunod lamang daw sila sa order ng IATF.

Matatandaang nabatikos ang kanilang hakbang sa kadahilanang nahirapan ‘di umano ang ilang mga teachers na mag-conduct ng kanilang mga online classes sa mga silid aralan.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Ipinunto ng Alliance of Concerned Teachers at ng Teacher’s Dignity Coalition na sana raw ay ipagpatuloy na muna ang impementasyon ng ‘flexible arrangement’ dahil hindi pa rin handa ang mga pasilidad ng paaralan para sa distance learning.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Ilan sa mga problemang kanilang kinaharap ay ang pag-aagawan ng signal at mahinang internet connection dahilan para mag-klase ang ilang mga guro sa hallway ng mga paaralan.
#