‘Prevention is better than cure.’
Ito ang ginawang paglilinaw ng Palasyo sa ginawang desisyon ng Gobyerno na payagan ang ika-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19 bilang bahagi lamang ng kanilang preventive measures.
Pinawi ni Communications Secretary Martin Andanar ang pangamba ng publiko na baka kaya nakalusot ang 4th dose – o ang ikalawang booster shot ay bilang paghahanda ng pamahalaan sa napaulat na posibleng muling paglobo ng mga COVID-19 cases sa bansa ngayong Mayo.

Ayon kay Andanar, ang hakbang na dagdagan ang dosage ng bakuna ay bahagi lamang ng siyentipikong tugon ng pamahalaan sa tinatawag na ‘waning immunity’.
Aniya, ginagawa lang daw nila ang kanilang trabaho na mapalakas pa o maprotektahan ang publiko laban sa nakahahawang virus na hindi pa naman daw tuluyang nawawala.