Mahigit 5 million na mga bata, inilikas sa kanilang mga tahanan sa Ukraine

Tinatayang umabot na sa mahigit 5 million ang inilikas na mga kabataan mula sa kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na sagupaan ng Russia sa Ukraine.

Ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), mahigit 4.8 million na ang mga batang nawalan ng bahay mula sa halos 7.5 million na bilang ng mga kabataan sa Ukraine.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Inihayag naman ni UNICEF Emergency Programs Director Manuel Fontaine na nasa 3.2 million ang mga batang pansamantalang nasa kanilang mga tahanan ngunit marami sa kanila ang pinangangambahang kulang sa suplay ng pagkain.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Samantala, sinabi ni United Nations (UN) Ambassador to Ukraine Sergiy Kyslytsya na nasa 121,000 na ang mga bata mula sa Ukraine ang ipinadala sa Russia upang ipaampon. //ARGIE ERGINA