LEGAZPI CITY – Inilarawan ng Philippine Red Cross Albay na sapat parin ang mga dugo sa blood bank ng ahensya.
Ito’y matapos kumpirmahin ni Philippine Red Cross Albay Chapter Representative Nicole Malagueño sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na sapat parin o ‘sufficient’ ang mga dugo sa ‘blood bank’.
Sa ngayon hindi pa kumu-kulang ang mga dugo na nasa blood bank ng ahensya at pwedeng-pwede pang magtanong kung anong blood type ang ‘available’ sa ahensya.
Matatandaan, nagkaroon ng Blood Letting Activity ang Brigada News FM Legazpi na ginawa sa Brgy. Puro Covered Court Legazpi City at labis na nagpapasalamat ito dahil sa nasabing programa.