Mag-aalok ng libreng sakay ang tatlumpong unit ng pampasaherong jeepney sa bayan ng Subic to San Felipe, Zambales.
Ito ay makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 33 units ng PUJ sa lugar na gagamitin para sa service contracting program ng pamahalaan.
Ayon kay Subic San Narciso San Felipe Transport Cooperative Chairman Joelson Del Mundo, inaantay ng lang ng kooperatiba ang go signal mula sa LTFRB kung kailan uumpisahan ang lbreng sakay para sa mga frontliners.
Ang service contracting ay programa ng pamahalaan para tulungan ang mga tsuper na kumita sa pamamagitan ng subsidiya at makalibre sa pamasahe ang mga pasahero sa gitna ng pandemya.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
