DOE, inanunsyo ang posibleng oil price rollback sa susunod na linggo

Kinumpirma ni Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad ang posibleng rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Inaasahan ang nasa P1 hanggang P1.20 ang mababawas sa gasolina kada litro at P0.30 hanggang P0.50 diesel habang P2.80 hanggang P3 naman sa kerosene.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Ayon kay Abad, dahilan ng bawas-presyo ang pagpapalabas ng krudo ng Estados Unidos at ng ilang miyembro ng International Energy Agency mula sa kanilang oil storage upang mapunan ang kakulangan sa pandaigdigang merkado.

Read More:  BAN Toxics urges removal of unauthorized squishy toys over potential health risks

Samantala, iginiit din ng direktor na maliit ang naturang tapyas-presyo ngunit hindi umano ito nalalayo sa pinakahuling rollback. (ARGIE ERGINA)