30 katao patay sa missile strike sa Eastern Ukraine

Kinumpirma ni Donetsk Region Spokeperson Tetiana Ihnatchenko na nasa 30-katao kabilang ang dalawang bata, ang nasawi at posibleng pang madagdagan matapos ang missile strike sa isang railway station sa Eastern Ukraine.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Aniya, tinatayang nasa 100-katao naman ang nasugatan kung saan isinasagawa ang evacuation ng mga sibilyan na nais makatakas sa naturang lugar.

Sinabi naman ng mayor ng Kramatorsk na nasa 8,000 ang mga pumunta sa estasyon ng tren araw-araw para mag-evacuate at tumakas mula sa gyera na nangyayari ngayon sa bansa.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Samantala, kinundena naman ni European Union’s Top Diplomat Josep Borrell ang naturang insidente na tinawag niyang ‘indiscriminate attack’. (ARGIE ERGINA)