Comelec, aprubado nang maipagpatuloy ang pamimigay ng fuel subsidy

Maipagpapatuloy na ang pamamahagi ng fuel subsidiya para sa mga drivers at operators.

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ma-exempt ang naturang programa mula sa spending ban, sa gitna ng election period.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Sa gitna nito, sinabi ni Comelec commissioner George Garcia na ang kanilang approval ay subject sa ilang mga kondisyon gaya ng “strict implementation” ng fuel subsidy program, ang parameters ng pagpapatupad ng programa, at kung papaanu mag-aaplay ang mga targeted beneficiaries sa cash aid.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Una nito, sinuspende ng LTFRB ang fuel subsidy disbursement noong March 25.