Oplan Bisita Eskwela isinagawa ng Daet PNP sa Bagasbas Elementary School

CAMARINES NORTE- Upang mas lalong mapagtibay ang mga kaalaman ng mga kabataan ukol sa crime prevention ang kapulisan ng Daet MPS  ay nagsagawa ng Oplan Balik Eskwela (BES) sa mga mag aaral ng Bagasbas Elementary School sa pamumuno ni Gng. Veronica C Elep, Principal

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa pamumuno ni PLTCOL ARNEL DE JESUS, Hepe ng Daet MPS, Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga karapatan ng mga bata partikular na kung paano makaiwas sa pang aabusong pisikal, sikolohikal, pagpapabaya,  sekswal at kung saan nararapat lumapit ang mga bata kapag nakaranas ng mga pang aabuso.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nagkarooon din ng pamimigay ng pagkain bilang pasasalamat sa kooperasyon sa mga mag-aaral ng naturang paaralan.

Layon ng naturang na mas lalong mapalapit ang mga kabataan sa mga lingkod bayan.