Ika-6 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng Pamplona MPS, Camarines Sur PPO arestado  sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Natimbng ng mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte ang isang binata na  ikaanim sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng Pamplona MPS, Camarines Sur PPO.

Ang manhunt Charlie operation ikinasa dakong  4:30 ng hapon nitong Abril 3, 2022 sa pangunguna ng mga tauhan ng Pamplona MPS, Camarines Sur PPO kasama ng Jose Panganiban MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni Chief of Police PMAJ ELEZALDY C CALINGACION

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang akusado ay kinilala sa pangalang alyas “REY”, 22 anyos, binata at residente ng Zone 4, Barangay San Isidro, Pamplona, Camarines Sur. 

Inaresto ang nasabing akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353) na ipinalabas ni Hon. Valentin E. Pura, Acting Presiding Judge of RTC Branch 28, Naga City noong Enero 18, 2018

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Nagkakakahalaga ng Dalawang Daang Libong Piso (Php 200,000.00) at Isang Daan at Dalawampung Libong Piso (Php 120,000.00) ang pyansang inirekomenda ng korte para sa mga kasong kinakaharap nito

Ang nabanggit na akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng    Pamplona MPS, Camarines Sur PPO.