Semana Santa pinaghahandaan na ng Talisay PNP

CAMARINES NORTE- Pinaghahandaan na ng Talisay PNP ang nalalapit na Semana Santa upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga barangay na nasasakupan ng naturang himpilan ng pulisya

Nitong nakatalikod na araw ay nagkaroon ng mga aktibidad ang mga miyembro ng Talisay PNP sa pamumuno ni PCPT JOHN LAWRENCE M SABONG, Chief of Police kung saan nakiisa ang mga ito sa isinagawang  dalawang (2) araw na Clean-up Drive, Road Clearing at Clean and Green Project na inorganisa ng Barangay Poblacion

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang nasabing programa ay isa sa mga buwanang aktibidad na isinasagawa ng nasabing barangay na regular na dinadaluhan ng mga kapulisan bilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga barangay

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ito rin ay isa sa mga paghahanda para sa nalalapit na Semana Santa 2022.

Maliban sa paglilinis ay naghandog rin ng “Libreng Sakay” ang mga kapulisan para sa mga nakiisa sa nasabing gawain.