Bagong tulay sa Binondo patungong Intramuros, nakatakdang pasinayaan bukas

Nakatakdang pasinayaan bukas, ika-5 ng Abril ang bagong tulay na kokonekta mula Binondo patungong Intramuros na nasa 680-lineal meter ang haba at nasa ibabaw ng Pasig River.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) at Build Build Build Chief Implementer Undersecretary Emil Sadain, magiging mas mabilis ang koneksyon ng nasabing mga lugar na itinuturing na most busy districts sa Maynila.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

Sinabi naman ni DPWH Secretary Roger Mercado na mahigit 30,000 na mga motorista ang makikinabang sa bagong proyekto sa ilalim ng Philippine-China government-to-government cooperation projects. Layunin nito na maging maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Read More:  OVP proposes ₱785.204 million budget for 2027, 11.7% lower than 2026

Samantala, inaasahan din ang pagbubukas sa kalagitnaan nitong Abril ngayong taon ng isang exit ramp sa Plaza del Conde Street sa Binondo. (ARGIE ERGINA)