Mga former rebels sa Sultan Kudarat, makakatanggap ng pabahay

KORONADAL CITY- INAASAHAN na maituturn-over na sa lalong madaling panahon ang housing project sa mga dating rebelde sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ang 10-housing project para sa mga former rebels ay naipatayo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ito ay makikita sa Barangay Midtungok sa bayan ng Senator Ninoy Aquino.

Kamakailan lamang, nagsagawa ng joint inspection ang National Housing Authority, Armed Forces of the Philippines, at local government unit sa estado ng naturang proyekto.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Napag-alaman na may natukoy na na mga benepisyaryo na makakatanggap ng pabahay.