LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng repacking ng Family Food Packs ang Department of Social Welfare and Development Bicol bilang bahagi ng ika-71 taong anibersaryo ng ahensya.
Isinagawa ito ng ilang empleyado ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan ang repacking ng Family Food Pack ay gagawin mula 21 ng Marso hanggang 31.
Ang bawat FFT ay naglalaman ng 10 na de lata, 10 na sachet ng instant drink kagaya ng kape o cereal drink at 6 na kilong bigas na naayon sa standard.
Sinasabing ang food packs ay sasapat para sa dalawang araw na pagkonsumo ng isang pamilya na may limang miyembro.
Kung matatandaan, may programa narin na nailatag ang ahensya kaugnay sa kanilang anibersaryo katulad ng mga nakadisplay na produktong likha ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD Bicol sa isang mall sa Legazpi City.