CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang mga naturukan ng COVID- 19 booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Center hanggang March 30, 2022 nasa 26, 009 pa lang o 5. 11 percent ang nakakatanggap ng booster jabs ng population coverage
Ang bayan ng Daet ay mayroong 11, 650 ang nakatanggap na ng booster jabs o 12. 75 percent.
Habang ang San Vicente na pinakamaliit sa buong probinsiya ay mayroong 1. 067 na nakapag pa booster o 11. 77 percent.
Ang iba pang mga bayan ay naglalaro pa lang sa dalawa hanggang limang porsiento ang nakakatanggap ng booster shot.
Ipinapakita ng mga datos na tila may mga ilan na nakakumpleto na ng hanggang ikalawang dose ay hindi nakikita ang kahalagahan ng booster shot.
Ganito rin ang sitwasyon sa pangkalahatan sa buong bansa kung saan mahigit 10 milyong Pilipino pa lang ang nagpapa-booster shot na malayo pa sa target na 77 milyon.
Kaugnay nito ay nananawagan ang Department of Health sa mga nagpabakuna na magpaturok ng booster shot bilang dagdag proteksyon laban sa COVID- 19.
