Nagtala ang Pilipinas ng 327 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang caseload sa 3,678,245.
Dahil sa mga bagong indections, naiatala pa ng Department of Health ang active case count na 39,315, na bahagyang bumaba.
Nananatili naman ang NCR sa mga lugar na may mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 1,694, sinundan ng Region 4-A sa 647 at Region 6 sa 502.

Sa gitna nito, tumaas pa ang kabuoang bilang ng mga nakarekober mula sa naturang sakit sa 3,579,681, habang ang death toll ay umakyat a 59,249.
Samantala, sinabi ng DOH na nasa 24.64% pa ng intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients nationwide ay utilized. //MHEL PACIA-TRINIDAD