Ukraine war, nagpalala sa security concerns sa Asia –Singapore PM Lee

Aminado si Prime Minister Lee Hsien Loong na ang giyera si Ukraine ay nagdulot ng negatibong epekto sa Asia at nasira ang international framework sa batas at kaayusan maging ang kapayapaan.

Ayon kay Lee, nasira rin ng naturang krisis ang global multilateral system, na nakakabahalang development para sa maliliit na bansa, gaya umano ng Singapore na nakadepende sa globalisation para sa kanilang kabuhayan.

Read More:  Bharatpur Hospital in Nepal resumes normal services after morgue overflow

Sa ilang oras na dayalogo na inorganisa ng Washington-based Council on Foreign Relations think-tank, inilatag ni PM Lee kung papaanu nakaapekto sa Asya ang invassion ng Russia sa Ukraine, kabilang na sa Singapore.

Read More:  Food Poisoning incidents raise safety concerns over Indonesia’s free meals program

Sa gitna nito, kinondena ng Prime Minister ang paglusob ng Russia na nagdulot ng panganib sa soberenya ng lahat ng mga bansa.