Swine lending program, ipinaliwanag ng LBP

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang kanilang programang pautang para sa mga naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ang Swine Lending program ay nailunsad noong nakaraang taon sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Agriculture na magbibigay ng technical support at LandBank na magbibigay ng tulong pinansyal.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay LandBank account officer Armel A. Alcantara, sa ilalim ng programang ito maaaring humiram lahat ng hog raiser na classified at registered bilang cooperatiba, small, medium at large enterprises at large corporations sa bansa.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Aniya, layunin ng nasabing programa na tulungang mapalakas ang operasyon ng mga hog raisers at mapataas ang produksyon ng baboy o pork supply sa bansa.

Para sa iba pang updates tungkol sa programa at serbisyo ng landbank maaaring pumunta sa pinakamalapit na Landbank branch o maaaring bisitahin ang kanilang website na www.landbank.com.