NAGA CITY- 38 na mga personahe ng Naga City Police Office ang ipinadala sa probinsya ng Masbate upang maging karagdagang pwersa sa pagpapatupad ng peace and order ngayong panahon ng halalan.
Ayon kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng NCPO , sa 38 na ito apat ang magsisilbing driver, apat din ang ipinadalang PNP Patrol car.
Inihayag pa sa mga miyembro ng Media ni PLtCol. Errol Garchitorena, Deputy City Director for Operations na unang napag-usapan ay sa Camarines Sur magpapadala ng mga tauhan subalit sa pag-aaral ng PNP Regional Office 5, mas kailangan ng Masbate ang karagdagang tao na ilalatag sa mga bayan lalo na mga Election Hot Spots.
Aminado si Gachitorena na malaking kabawasan ito kahit na matahimik ang Naga, hindi lamang kasi aniya kriminalidad ang babantayan kundi iba pang dapat naroroon ang presensya ng pulisya. Nabawasan man tiniyak ng NCPO na maayos naman ang pagkakahati-hati ng kanilang personahe para sa mapayapang lungsod.