Taal Volcano walang naitalang volcanic quake sa loob ng 24-oras – Phivolcs

Bahagyang kumalma ang aktibidad na ipinapakita ng Taal Volcano ngayong araw.

Ayon kay Phivolcs Director Usec. Renato Solidum ito ay matapos maitala ang 66 explosions noong Sabado at 2 maliit na pagsabog naman kahapon.

Read More:  Dizon returns to DOTr as Lopez takes over DPWH

Sa kanilang monitoring sinabi ni Solidum na humupa na rin ang pagbuga ng usok ng bulkang Taal.

Subalit hindi umano dapat magpaka-kampante dahil posibleng nabara o nag-iipon lamang ng pressure ang bulkan na mas lubhang mapanganib.

Read More:  Philippine peso hits historic ₱64 per dollar

Sa ngayon sinabi ni Solidum na nagtakda sila ng dalawang linggo para obserbahan ang galaw ng bulkan bago sila magdesisyon kung pwede na bang ibaba ang alerto sa Alert Level 2.