Narekober ng anti-drug operatives ang nasa P900,000 na halaga ng pinaghihinaalang shabu, at naaresto ang suspek sa buy-bust operation sa Davao City.
Ayon sa PNP, ang suspek ay kinilalang si Arnulfo Ferraren Sefuntes alias ‘Tata’, 47-anyos at residente ng Fatima Village, Bajada, Barangay 19-B.
Si Sefuntes, ay ang 4th top drug personality sa Davao region (Region 11), at ikinokonsiderang high-value target (HVT).

Binigyang diin naman ni Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos na ang focus ay lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at mapaganda pa ang kalidad ng kanilang operasyon, kung saan kailangan mas tutukan ng mga otoridad ang mga High-Value Targets at mas mataas na gramo ng droga na nakukumpiska sa bawat operasyon.